Sunday, January 08, 2006

Matigas

Got an unusual text message from a friend this morning: “Ano ba, magblog ka na.”

O sige… hmmm… eh wala naman akong masulat so far eh… Ah! Nakapanood ako ng kaunting back-to-back episodes ng Arrested Development sa JackTV. Grabe, nakakatawa yung character na frustrated actor, at saka yung anak ng character ni Jason Bateman, yung teenager na si George Michael, kasi may crush siya sa pinsan nya (yung character na anak ng magandang tibo na si Portia Di Rossi, pero hindi sya tibo dito). Nakakaaliw talaga.

Ano pa ba… ah! Nakabili ako ng mas mura-than-usual na Marvel Legends na Phoenix (Jean Grey). Mukha syang evil actually dahil sa kanyang matutulis na kilay. Variant nito kasi eh yung nakapula sya, yung Dark Phoenix version nya. Evil talaga. Narealize ko rin na siya ang pangatlong Marvel Legends figure ko na superlakas na cosmic character, bukod kay Franklin Richards (na kasali sa Fantastic Four boxed set noong 2004), at bukod sa nabili ko last month na payatot na Scarlet Witch. Si Phoenix ay kayang baguhin ang timelines; si Franklin kayang magcreate ng bagong universe; at si Scarlet Witch ay kayang baguhin ang reality. Tatlong mutant na halos kasinglakas ng Infinity Gauntlet ni Thanos. Speaking of Thanos, ang ganda ng Marvel Select action figure nya. Nakakaiyak.

Comics… Andami kong nabiling sale na Avengers, L.E.G.I.O.N., West Coast Avengers at Thor sa BMP… nakakatuwa dahil may mga issues na hindi ko nabasa at nabili nung bata pa ako na binenta nila ng P25 each. Mga bagong comics naman… Gusto ko yung Young Avengers Special kahit iba-iba yung artist sa loob… nagbigay ng backgrounder sa motivations ng mga bida. Na-flesh out si Kate Bishop at yung dalawang batang bading. So far, ito ang pinakanag-enjoy na issue ako sa series dahil yung regular run eh, okey lang para sa akin.

Three Kings pala ngayon… nakadisplay pa ang Christmas tree ko sa tuktok ng toy shelf ko… siguro palilipasin ko pa ang ilang linggo bago ko iligpit yon. Tinatamad pa ko eh. Nakakaaliw kasi ang lights nya.

Marianang Matapang
Image hosted by Photobucket.com Pencil drawing, Dec. 2000

3 comments:

rmacapobre said...

narnia's witch, having discussed the terms with aslan, walks out of the tent.

her dress reminds me of the filipina costume saya. it would have been great if it was ..

OLIVER said...

mpmpmp... sige na nga, sabi mo eh. :)

max... Does it? I don't remember... But the one I really like is her hairy/mane-y costume during the final battle.

OLIVER said...

Thanks, Enrique.

And about Friendster, no problem. :)